Chop Suey Mo, Chop Suey Ko!
Maikling Paglalarawan
Ang Chop Suey ay kilala ng mga Pilipino bilang isa sa masarap na putaheng inihahain sa hapag kainan. Ito ay nagmula sa mga Amerikano at Tsino na kalaunan ay nakarating at tinangkilik ng bansang Pilipinas. Ang Chop Suey ay gawa sa iba't ibang uri ng gulay na makukuhanan ng maraming sustansiya. Maraming sangkap ang maaring isama sa lutong Chop Suey kagaya ng manok, baboy, pugo, tokwa at iba pang klase ng karne— ngunit mas madaling maluto ang putahe kung ito ay purong gulay lamang. May iba't ibang bersyon ng pagluluto ang Chop Suey, na nakadepende na lamang sa kagustuhan ng tagapagluto. Ang putaheng ito ay patok sa mga taong may hilig sa mga gulay o kaya mga vegetarians.Paraan ng Pagluluto
Ang Chop Suey ay patok na putahe para mga taong mahilig sa gulay. Ang Chop Suey ay luto gamit ang iba't ibang gulay kagaya ng snow peas, young corn, cabbage, at bell peppers. Mayroon din na protein at seafood sa mga sangkap na nakapaloob dito. At dinadagdagan din ito ng maliliit na itlog na tinatawag na pugo. At ito ay paniguradong nakakadagdag sa lasa at nagpapasarap dito.
Mga Sangkap sa Paggawa
- 7 piraso na nilinis na hipon
- 3 onsa ng hiniwang baboy
- 3 onsa na hiniwang pitso ng manok
- 1 ½ tasang cauliflower na nakahiwa pahalang
- 1 carrot na nakahiwa nang manipis
- 15 pirasong sitsaro
- 8 pirasong baby corn
- 1 siling lara na hiniwang paparisukat
- 1 ½ tasang hiniwa na repolyo
- 12 pirasong itlog ng pugo
- 1 piraso ng sibuyas na puti
- 4 na ulo ng bawang at hiwain nang pino
- ¼ tasa ng toyo
- 1 ½ kutsarang oyster sauce
- ¾ tasang tubig
- 1 kutsarang cornstarch na may halong ½ tasang tubig
- ¼ kutsaritang pamintang pino
- 3 kutsarang mantika
Mga Hakbang sa Pagluluto
- Una ay painitin ang kaldero at kung nais maghalo ng karne ay unahin na itong lutuin at igisa.
- Pagkatapos itong igisa, ito ay hanguin at ilagay sa isang tabi.
- Sumunod ay igisa na ang bawang at sibuyas hanggang sa ito ay magkulay abelyana.
- Pagkatapos ay maari nang ipaghalo ang nagisang karne sa iginigisang bawang at sibuyas.
- Haluin ito at pagkatapos ay maari na itong lagyan ng mga pampalasa, gaya ng toyo at oyster sauce. Haluin ito nang mabuti at saka lagyan ng isang tasang tubig.
- Sumunod ay ito ay takpan at maghintay ng labinlimang minuto at hayaang kumulo, hanggang sa ito ay maging malasado.
- Pagkaraan ng labinlimang minuto, maari nang ilagay ang mga gulay, gaya ng cauliflower, carrots, baby corns, siling lara, at sitsaro.
- Haluin ito nang mabuti bago ilagay ang repolyo.
- Matapos ay takluban muli ang kaldero at maghintay nang lima o hanggang pitong minuto, at saka maglagay ng pamintang pino.
- Sa wakas ay kapag naihalo na ang paminta sa putaheng iniluluto, ay maari na itong hanguin at ihain sa hapag kainan ang nalutong Chop Suey.
Presyo ng mga Sangkap
Nutrisiyon na Makukuha mula sa Chop Suey
- Ang Chop Suey ay karaniwang may calorie at fat na nilalaman, pati na rin ang mataas na carbohydrate. Kinakain natin ito dahil ito ay isang putahe na pinanggagalingan ng mga sustansiya na kinakailangan para sa ating katawan.
- Sa panahon ng pandemya, mahalagang manatiling malusog. Ang isang malusog na katawan ay nangangailangan ng ganitong mga putahe. Ito ay dahil sa mas mababang nilalaman ng sodium nito.
- Ang Chop Suey ay naglalaman ng Vitamin C, na maaaring makatulong sa ating katawan sa iba't ibang mga isyu sa kalusugan; kabilang ang mga sakit sa mata, mga suliranin patungkol sa kalusugan ng prenatal, mga kakulangan sa sistemang imyunidad, at marami pang iba.
- Mahalaga ang iron na nakukuha sa putaheng ito para sa mga buntis, dahil nakakatulong ito sa pagbuo ng kanilang mga kalusugan pati na rin sa mga sanggol na nasa kanilang sinapupunan.
- Hindi rin maitatanggi na ang isang mataas na kalidad na protina ay mahalaga para sa pag-aayos ng body tissues at pagbuo ng isang malakas na sistemang imyuno ng isang indibidwal.
- Ang Chop Suey ay mayaman din sa magnesium, na tumutulong na panatilihing maayos ang tibok ng ating puso at maging ang mga kalamnan.
Mga Sangguniang Ginamit
Para sa impormasyon:
Merano, V. (2021). Chop Suey. Panlasang Pinoy. https://panlasangpinoy.com/chop-suey/
Para sa mga larawan:
Healthy Chop Suey. (2021). Skinny Fitalicious®. https://skinnyfitalicious.com/healthy-chop-suey/
Chicken Chop Suey. (2020). The Woks of Life. https://thewoksoflife.com/chicken-chop-suey/
Chop Suey with Oyster Sauce. (2021). https://www.cookmunitybyajinomoto.com/recipes/chopsuey-with-oyster-sauce/
Healthy Chop Suey. (2021). Skinny Fitalicious®. https://skinnyfitalicious.com/healthy-chop-suey/
Chicken Chop Suey. (2020). The Woks of Life. https://thewoksoflife.com/chicken-chop-suey/
Chop Suey with Oyster Sauce. (2021). https://www.cookmunitybyajinomoto.com/recipes/chopsuey-with-oyster-sauce/
Comments
Post a Comment