Posts

Chop Suey Mo, Chop Suey Ko!

Image
Maikling Paglalarawan    Ang Chop Suey ay kilala ng mga Pilipino bilang isa sa masarap na putaheng inihahain sa hapag kainan. Ito ay nagmula sa mga Amerikano at Tsino na kalaunan ay nakarating at tinangkilik ng bansang Pilipinas. Ang Chop Suey ay gawa sa iba't ibang uri ng gulay na makukuhanan ng maraming sustansiya. Maraming sangkap ang maaring isama sa lutong Chop Suey kagaya ng manok, baboy, pugo, tokwa at iba pang klase ng karne— ngunit mas madaling maluto ang putahe kung ito ay purong gulay lamang. May iba't ibang bersyon ng pagluluto ang Chop Suey, na nakadepende na lamang sa kagustuhan ng tagapagluto. Ang putaheng ito ay patok sa mga taong may hilig sa mga gulay o kaya mga vegetarians .